Tuesday, March 29, 2005

Punyeta

Bakit hanggang ngayon naiisip kita? Bakit bawat text message na number lang ang lumalabas sa cell phone ko ay iniisip kong sa iyo galing. Minumulto ako ng iyong alaala. Umaasa pa din ako. Naghihintay. Alam kong hindi mo na ako naiisip. Wala na ako sa iyong ulirat. Kung magkasalubong man tayo sa mall o magkita sa isang kapihan sa Timog Avenue, hindi mo na ako makikilala. Hindi mo na ako maaalala. Pero ikaw, ikaw, naka-ukit ang mukha mo sa isip ko.

Sandali lang tayo nagkita, nagkakilala. Sa minsang pakikipag-ulayaw ay nakilala mo ako, nakilala kita. Hindi ko pinalampas ang kakulitan mo. Tinapatan mo ang yabang ko. Pareho tayong maangas. Pareho tayong manginginom. Pareho tayong nalasing. Iniyakan mo ang mapait na karanasan sa pakikipag-relasyon. Nilunod ka ng mga yakap ko. Hinalikan mo ang labi ko. Nanahimik ako. Nauwi tayo sa iyong silid at natulog ng magkayakap. Subalit hindi ito naging sapat upang pag-usbungan ng mas malalim na pagkakakilanlan. May kompromiso ako, nasagutang susubuking tuklasin ang posibilidad. Ikaw naman ay banidoso, kailangang uminog ang mundo sa iyo. Agad mong minasama ang pagtatapat ko. Masakit ang iyong mga salita. Iniwan kitang nagtataka. Hinabol mo ako. Pero malalim ang sugat.

Burado ang number mo sa cell phone ko. Ayokong matuksong batiin ka, kumustahin. Pinasalamatan ko ang distansya sa pagitan natin. Hindi ako matutuksong puntahan ka, bisitahin saglit. Magkaiba tayo ng mundo. Alam kong sasaktan mo lang ako. Hindi kakayanin ng puso kong makipagsugal. Hindi sapat ang mga salita mong ako lang ang magiging laman ng puso mo. Kilala kita. Kilala ko ang mundong pinanggalingan mo.

Punyeta. Bakit ikaw pa ang lumapat sa mga hinahanap ko. Makisig ang pangangatawan, matigas ang kilos, mahusay makipag-debate, hindi umaatras, lalaking-lalaki, pero baklang katulad ko. Walang tumapat sa mga sumunod. Wala ni sa kalingkinan.

Ayaw na kitang maisip. Nagugulo ang mundo ko. Marami akong gustong gawin, mga trabahong naiwan, mga kaibigang kikitain, marami pa. Hanggang ngayon naapektuhan mo pa rin ako. Sa tuwing pupunta ako sa grocery, sa coffee shop, sa inuman, naiisip ko, baka sakali, mag-krus ang landas natin. Sa mga kantang naririnig ko, mga kantang minsan nating inawit ng sabay, naaalala kita. Sa tuwing titingin ako sa kawalan, sa kalsada, sa mga dumadaang tao, naiisip kita.

Minsan mong sinabi sa akin na may nasumpungan kang irog sa tahimik mong paghahanap. Isang pala-isipan, panghihikayat na ayusin muna ang kompromiso at muling suungin ang naantalang pakikipag-tunggali. Ngunit huli na. Nasabi na ang nakasusugat na mga salita. Dumaan ang panahon ng paghihintay. At ngayon ay nagtatanong na lamang…

Naiisip mo rin kaya ako?

Punyeta.

4 comments:

Anonymous said...

Malalim ang nasasaad dito. Makahulugan ang bawat salitang ginamit.

"Burado ang number mo sa cell phone ko. Ayokong matuksong batiin ka, kumustahin. Pinasalamatan ko ang distansya sa pagitan natin. Hindi ako matutuksong puntahan ka, bisitahin saglit. Magkaiba tayo ng mundo. Alam kong sasaktan mo lang ako. Hindi kakayanin ng puso kong makipagsugal. Hindi sapat ang mga salita mong ako lang ang magiging laman ng puso mo. Kilala kita. Kilala ko ang mundong pinanggalingan mo."

Gusto ko ang parteng ito.

Glenn Ocampo

Anonymous said...

hindi madaling kalimutan ang totoong nangyayari,totoong mga damdamin.lahat ng masyado na klase ng damdamin ay nakakalikha ng napakagandang saloobin katulad nito. boses ka ng lahat ng nagmahal.

Jill Anne

Anonymous said...

nascar ticket

underage incest stories said...

``Are you crazy. She doesnt say a word, she heads to the bathroom and I hear thewater running.
hermione and ginny young sex stories
erotic free pics stories
preteen bondage stories
free bi cocksucking grandparents porn stories
stories of bondage
``Are you crazy. She doesnt say a word, she heads to the bathroom and I hear thewater running.