Tuesday, March 29, 2005

Punyeta

Bakit hanggang ngayon naiisip kita? Bakit bawat text message na number lang ang lumalabas sa cell phone ko ay iniisip kong sa iyo galing. Minumulto ako ng iyong alaala. Umaasa pa din ako. Naghihintay. Alam kong hindi mo na ako naiisip. Wala na ako sa iyong ulirat. Kung magkasalubong man tayo sa mall o magkita sa isang kapihan sa Timog Avenue, hindi mo na ako makikilala. Hindi mo na ako maaalala. Pero ikaw, ikaw, naka-ukit ang mukha mo sa isip ko.

Sandali lang tayo nagkita, nagkakilala. Sa minsang pakikipag-ulayaw ay nakilala mo ako, nakilala kita. Hindi ko pinalampas ang kakulitan mo. Tinapatan mo ang yabang ko. Pareho tayong maangas. Pareho tayong manginginom. Pareho tayong nalasing. Iniyakan mo ang mapait na karanasan sa pakikipag-relasyon. Nilunod ka ng mga yakap ko. Hinalikan mo ang labi ko. Nanahimik ako. Nauwi tayo sa iyong silid at natulog ng magkayakap. Subalit hindi ito naging sapat upang pag-usbungan ng mas malalim na pagkakakilanlan. May kompromiso ako, nasagutang susubuking tuklasin ang posibilidad. Ikaw naman ay banidoso, kailangang uminog ang mundo sa iyo. Agad mong minasama ang pagtatapat ko. Masakit ang iyong mga salita. Iniwan kitang nagtataka. Hinabol mo ako. Pero malalim ang sugat.

Burado ang number mo sa cell phone ko. Ayokong matuksong batiin ka, kumustahin. Pinasalamatan ko ang distansya sa pagitan natin. Hindi ako matutuksong puntahan ka, bisitahin saglit. Magkaiba tayo ng mundo. Alam kong sasaktan mo lang ako. Hindi kakayanin ng puso kong makipagsugal. Hindi sapat ang mga salita mong ako lang ang magiging laman ng puso mo. Kilala kita. Kilala ko ang mundong pinanggalingan mo.

Punyeta. Bakit ikaw pa ang lumapat sa mga hinahanap ko. Makisig ang pangangatawan, matigas ang kilos, mahusay makipag-debate, hindi umaatras, lalaking-lalaki, pero baklang katulad ko. Walang tumapat sa mga sumunod. Wala ni sa kalingkinan.

Ayaw na kitang maisip. Nagugulo ang mundo ko. Marami akong gustong gawin, mga trabahong naiwan, mga kaibigang kikitain, marami pa. Hanggang ngayon naapektuhan mo pa rin ako. Sa tuwing pupunta ako sa grocery, sa coffee shop, sa inuman, naiisip ko, baka sakali, mag-krus ang landas natin. Sa mga kantang naririnig ko, mga kantang minsan nating inawit ng sabay, naaalala kita. Sa tuwing titingin ako sa kawalan, sa kalsada, sa mga dumadaang tao, naiisip kita.

Minsan mong sinabi sa akin na may nasumpungan kang irog sa tahimik mong paghahanap. Isang pala-isipan, panghihikayat na ayusin muna ang kompromiso at muling suungin ang naantalang pakikipag-tunggali. Ngunit huli na. Nasabi na ang nakasusugat na mga salita. Dumaan ang panahon ng paghihintay. At ngayon ay nagtatanong na lamang…

Naiisip mo rin kaya ako?

Punyeta.

Wednesday, March 23, 2005

By the Book

It begins with silence, a sigh, a look of longing. We are together, alone. Our bodies infinitely apart. And yet, the distance is bridged by the intensity of your eyes. They look at me, they see me. You smile, a sweet smile. I smile back. We are both silent, both of us breathless in anticipation. Wanting to move but afraid to wound the moment. This moment, as our eyes lock, our gaze intense, and our breaths stalled. This moment that we are about to kiss.

Your hand reaches for my cheek, touching its surface, quivering. I gasp, the tips of your fingers filled with electricity, flowing from the point of contact. Your eyes continue to search my depths. They swim in my abyss, searching for answers without asking any questions. And you begin to move, closer, breaking down the distance until we are face to face. I can feel your breath, heavy, touching my skin, caressing, soothing. We are both breathing deeply, waiting. And then, it begins.

Your hand gently cups my cheek as you prepare me for the inevitable. I close my eyes and part my lips. And then, I feel you. The tip of your tongue teasing my upper lip. Softly, gently, a teasing intruder, slowly outlining its boundaries. Discovering every detail. And then you move south, equally attentive to my lower lip, careful not to be offensive. A light touch, caressing, soothing. You play with my lips, knowing what I want yet not giving it.

I place my hands on your face, trapping your jaw and positioning it for the attack. But then, you stop. You withdraw. You smile and open your eyes. I question, I doubt. And before I protest in disagreement, your lips engage my lips. The pressure heavy but tender. We both breathe deeply, gasping. Our chests heaving. Your right hand slides behind my nape, pushing my head towards your lips. Your lips, my lips, no longer separate, but one. And as you loosen your grip, a surprise of immeasurable delight. Your tongue pierces my mouth, a welcome intruder, slowly exploring the moist cavern. Your tongue moves excitedly, gaining momentum. Forcing its presence in my mouth. Your will, your strength, centered on this moist warrior. And then, your tongue meets its match. My tongue, like a good soldier, wards off your intrusion, matching your intensity. My tongue encircles your tongue, embracing the wetness. I move forward. I clutch your nape with my right hand. I advance for the kill. The warrior retreats as my tongue enters your mouth. Undiscovered terrain. A blind navigator. I search its landscape, its shape, its form. An imprint made in my memory. We inhale deeply. We moan. We gasp.

And then, you withdraw. My tongue follows, chasing after the warrior but finding no one. Both warriors retreat, moving back to the fort. Our lips part, cursing the growing distance. We inhale deeply as we open our eyes. We meet each others’ glances with a smile. It is done. It is finished. The pounding of our hearts continue to escalate. Your eyes speaks volumes, your mouth begging for words. But I am quick to the draw and I say…

“Give me my sin again.”

Thursday, March 17, 2005

Teorya

Pauwi na naman ako galing sa pakikipagtagpo sa isang estranghero. Sex Eye Ball ang karaniwang tawag sa prosesong ito. Dalawang tao na nagkakilala sa maikling panahon sa internet. Nagkahulihan ng kiliti. Naglatagan ng matinding pangangailangang pang-laman. Nagkasundong magkita. Nagtalik. At ngayon, pauwi na naman ako. Ilang beses na din na nangyari ito. Hindi naman madalas. Kapag matindi lang ang tawag ng laman. Sa mga ganitong pagkakataon, madali makahanap ng katalik. Madaling naisusugal ang seguridad, ang posibilidad na mahuli, makunan ng kamera, magkasakit. Hindi na binibigyan ng diin ang kagandahan ng mukha, kakinisan at kakisigan ng katawan. Walang pagsisinsay kung nakapag-aral ba, matalino, marunong mangatwiran. Basta’t nagtagpo ang libog, nagkaroon ng puwang upang tugunan ang init ng katawan. Basta’t pumasa, makaraos lamang.

Walang masama, katuwiran ko. Akin ang katawang ginagamit ko. May pagtanggap sa katotohanang ang pagnanasa ay kailangang tugunan. Tulad ng pag inom ng tubig kapag uhaw.

Uhaw. Uhaw sa pakikipagtalik? Uhaw sa init ng katawan ng kapwa lalaki? Libog lamang ‘yan. O libog nga lang ba?

Mayroon akong teorya. Sa maikling panahong sinubok ang larangang ito, ang larangan ng malayang pakikipagtalik, may ilan akong napagtantong mga katotohan sa buhay ko at, maaari, sa buhay nating lahat.

Bakit tayo naghahanap ng katalik? Dahil sa libog, sa init ng katawan na maaari lamang matapatan ng isa o ilan pang kapwa maiinit na katawan. Madaling sabihin. Dahil sa libog.

Ngunit ano ang lihim na katotohanan sa likod ng paghahanap. May ilang mangangatuwiran na libog lang ‘yan. At ito ay totoo. Subalit, sa aking palagay, may nagkukubling dahilan sa ganitong sapantaha.

Ano ba ang ating hinahanap? Katalik. Kahit sandali lamang ang pagniniig, ito ay tugon sa ating paghahanap. Ano ang nangyayari sa pagtatalik? Depende sa napag-usapan, sa napagkasunduan. Maaaring humalik ngunit hindi sa labi. Maaring lumapat ang dila pero hindi puwedeng ipasok. Maaaring dampian ngunit hindi puwedeng kagatin. Maaaring isubo pero hindi puwede palabasin. Maaaring makipagtalik pero hindi puwede umibig.

Pag-ibig. Isang masalimuot na katotohanan. Iba’t iba ang kahulugan batay sa pananaw ng iba’t ibang tao. May nakapagsabi na ang pagtatalik ang pinakamataas na antas ng pagpapahayag ng pag-ibig sa aspetong pisikal. Ang pag-iisa ng dalawang tao, ng dalawang katawan.

Masalimuot ang umibig. Hindi ito humihiling o nakikiusap. Ito ay nag-uutos. Kailangang maglaan ng oras, emosyon, pera, at ang iyong buong pagkatao, katawan, puso, kaluluwa, upang ito ay maging ganap. Para sa ilan na nasumpungan ito, ikinagagalak ko ang inyong pagtuklas. Huwag ninyo itong hayaang makawala. Bigkisin ninyo ito ng mahigpit, alagaan at pagyabungin. Ang pag-ibig ay isang desisyon. Desisyon na mahalin ang isang tao bagamat lantad ang kaniyang mga kahinaan at pagkukulang. Desisyon ito na suungin ang buhay ng magkahawak kamay, magkatuwang, sa konteksto ng isang relasyon.

Ang pakikipag-relasyon. Higit na masalimuot sa pag-ibig. Ito ang pang-araw-araw na mukha ng pag-ibig. Anong oras tayo magkikita? Saan tayo kakain? Kumusta ang araw mo? Bakit hindi ka nag-text? Anong oras tayo magkikita bukas? Mag-iingat ka pauwi.

Karamihan sa atin ay naghahanap ng ka-relasyon, ng isang taong mamahalin at magmamahal sa atin. Ilan sa atin, marahil, ay alam ang bigat at sarap ng pakikipag-relasyon. May ilan din na napaso ng init nito.

Alisin ang pag-ibig sa dalawang taong nagtatalik. Ano ang kalalabasan nito? Hindi isang mababang uri ng relasyon kundi pagharap at pagtanggap sa isang katotohanan. Kailangang tighawin ang uhaw. Kailangang busugin ang gutom.

Ito ang aking teorya. Sa aking pakikipagtalik ay may hinahanap ako. Tiyak ang aking mga pangangailangan. Mariin ang halik, mahigpit ang yakap, may lambing ang haplos, masikip, masarap, basa. At kung kaya pa, kung gusto pa, maaaring ulit-ulitin. Ngunit sa pagtugon sa mga pangangailangang ito, lumantad ang tunay kong hinahanap. Sa yakap, sa init, sa halik. Ang malayang pakikipagtalik ay may nakapaloob na kagustuhang masumpungan ang pag ibig.

Sa bawat lalaking aking nakapiling, may bulong ng pag-asa at pagtatanong: ikaw na ba?

Sa pagbaybay ng taxi sa kahabaan ng EDSA, bigla akong napatanong: hanggang kailan ko ito gagawin? Hanggang may libog sa katawan ko? Hangga’t may internet na magagamit? Hangga’t may nagkukusang-loob na makipaglaro? Hangga’t hindi ka dumadating.

Sa isip ko, ikaw lamang ang tunay na makapagpapaligaya sa akin. Alam mo kung saan ako hahalikan, gaano kariin ang kagat, gaano kahigpit ang yakap, gaano kasikip, kabasa. Alam mo ang mga salitang ibubulong, kailan mananahimik, uungol, sisigaw sa sarap,at hihinga ng malalim. Sa piling mo mawawala ang aking lumbay, ang lungkot ng aking puso, ang piping kahilingang mahalin din. Ang iyong katawan ay hindi na iba bagkus bahagi na ng katawan ko. Tayo ay lapat, tiyak ang sukat, magkatugma. Sa piling mo ay hindi ako mag-iisip kung ano ang susunod na gagawin, saan hahawak, saan hahalik. Alam ko ang mga salitang ibubulong ng palihim, kailan tatahimik, huhumaling sa sarap, at pagdaka’y hihinga ng malalim. Sa piling mo ay hindi na ako maghahanap. Payapa ang aking damdamin. Walang pag-aalinlangan, pagtatanong, pag-iisip.

Subalit, may taglay na bigat ang aking teorya na nakapaloob sa isang katanungan:

Kailan ka darating?